in

Carnevale dei Popoli, pagdiriwang ginanap sa magkakaibang plaza sa Milan

Carnevale Ambrosiano, tinawag nang Carnevale dei Popoli, pagdiriwang ginanap sa magkakaibang plaza sa Milan.

altMILAN, Italy.  Musika, confetti, maskara at  lubos na saya, dagdag pa ang magandang sikat ng araw at katamtamang temperatura.

Ganito ipinagdiwang ang makulay na carnival ngayong taon dito sa Milan.

Dumagsa ang libu-libong Milanesi, mga turista at mga migrante’ng naninirahan dito sa siyudad para sa pagdiriwang ng  Carnivale Ambrosiano na ngayong taon ay  tinatawag nang  Carnevale dei Popoli.

Sa limang  magkakaibang plaza  ipinagdiwang ang makulay,  maingay at masayang pagdiriwang.

Ang Piazza San  Fedele ang naging sentro ng selebrasyon  ng mga batang maliliit.

Humalimuyak naman sa bango ng mga oriental scents ang Piazza Beccaria habang ang Piazza Cairoli ay buhay na buhay  sa ingay at saya ng African dances.

Sa Piazza Affari, matatagpuan ang mga acrobatic show at ang Piazza Santo Stefano ay pina-ingay  naman ng mga nag se seksihang Latin- American dancers.

Ang  okasyon ayon sa ilang mga Pinoy ay isang magandang pagkakataon para sa  family bonding.

Para naman sa iba,.. ito raw ay pampa-alis ng  stress.

altKaya naman, sinisiguro daw nila na makabas at makisaya sa mga kamag-anak at mga kaibigan.

Sinabi ni  Cassandra Borlongan, isang OFW dito sa Milan na “hindi lang  para sa mga bata kundi para sa lahat ng edad ang pagdiriwang  ng carnevale.

Katwiran naman ni  Isabel  Lucianao,  na isa ring paraan para mawala ang stress  ng  limang araw na walang-patid na trabaho ang  paglahok sa carnevale  fiesta. 

At syempre para sa mga batang paslit,..ang carnival ay malinaw na paglalaro at saya  lamang.  (ni: Zita Baron)

“Sweet Opera”, binuksan sa Roma

Carnevale dei Popoli, ginanap sa magkakaibang plaza sa Milan