in

Trio Match sa ika-7 anibersaryo ng Knights Bowlers sa Roma

Ginanap ang ika-7 anibersaryo ng Knights Bowlers, isa sa miyembro ng Filipino Bowlers Association in Italy o FBAI noong nakaraang Hunyo sa pamumuno ng pangulo nito na si Mr. Lod Gonzales. Isang Trio Match na dinaluhan ng mga manlalaro ng bowling sa Roma mula sa iba’t ibang club. Nagtagisan ng kanilang mga husay sa bowling ang may 14 na grupo ng mga bowlers sa Roma na member ng FBAI na pinamumunuan ni Mr. Randy Fermo at 3 manlalaro naman mula sa non bowlers.

Apat na teams ang natira para maglaban laban sa finals. Sila ang 2 grupo ng FBI (Filipino Bowlers in Italy), na kina bibilangan nila Glenn Manalili ang Vice President ng FBAI, Joshua Manalili, Gianpier Diaz, Rhomie Morales, Perfecto del Espiritu, at ang Presidente ng FBI Simple Apan; at ang Guardians Emigrant na sina Avelino Rendon, Danny Dayap at Boyet Abduhlla Racsa at ang TBAI (Tropang Bowlers Association in Italy) Philip DayanDayan, Edrian Dayandayan at ang Presidente ng TBAI Marlon Mercado

Matapos ang tagisan sa Finals, tinanghal ang mga sumusunod:

2nd RUNNER UP – Guardians Emigrant – ABDUHLLA, GENUINE, DANNY

1ST RUNNER UP – FBI 2 – RHOMIE PECTO SIMPLE

At ang mga nakasungkit ng pinakamataas na posisyon:

CHAMPION – TBAI PHILIP Marlon Edrian

Highest Game Men – Rhomie Morales – FBI 2

Highest Game Women – Jhen Vicencio – KNIGHTS 2

Highest Series Men – Marlon Mercado – TBAI

Highest Series Women – Alma Sosa – KNIGHTS1

Non Bowlers Champion – Yolly Guevarra

Nagkaron ng kainan bilang selebrasyon na inabot na ng gabi. Naging napakasaya ng nasabing anibersaryo. Dahil hindi lang laro kundi kasiyahan at pagsasalo ng lahat ng dumalo.

Mabuhay ang Knights Bowlers!

Norie Ignaco

 

Selebrasyon ng ika-121 taong Araw ng Kalayaan, tagumpay sa Ravenna

Magbabakasyon ngayong Summer? Silipin muna ang permit to stay!