in

Sportsfest ng Fraternità Filippina Messina, matagumpay!

Maraming talento ang mga Pilipino. Sumasabak sa mga kumpetisyon ng sayawan, kantahan, at lalong hindi maikakaila ang likas na pagmamahal ng mga anak ng Perlas ng Silangan sa larangan ng sports. At sa usapang ito ay hindi exempted ang mga kababayan natin sa Messina, Sicily.

Araw ng 31 marso 2019 nang magsagawa ng sportsfest ang Fraternità Filippina Messina na pinangunahan ng mga opisyales ng samahan, mula sa mga founders nito na sina Janet Sacsac, Ronald Ramos, Joy Sacsac, at Tim Ramos. President: Nelson Manongsong, V-Pres: Nanni Palacio, Secretary: Jeff Garces, Treasurer: Menchie Manongsong, Asst. Treas: Eva Robles, Auditor: Jhoan Evangelista

Ang naturang paligsahan ay ginanap sa PalaRussello at dinaluhan ng maraming kinatawan mula sa iba’t-ibang asosasyon ng mga pilipino.

Pinaunlakan ng mga organisasyon ng Mabinians, Comunitaria filippina (A.C.F) a.s.d acf sports, Mindorenians, Tropang Chichilaok,  Filipino Sport’s Messina (F.S.M), Filipino Catholic Community of Messina (F.C.C.M) at A.A.L Group ang imbitasyon sa paligang nabanggit na may kanya-kanyang rapresentante para sa kategoriya ng volleyball at basketball na nahahati sa dalawang kategoriya: ang senior at ang junior’s division.

Sa simula pa lamang ng tournament ay nagpakita na ng mainit na pagsalubong ang mga cheerers ng bawat koponan.  Mapapansin din ang mga paboritong manlalaro base sa lakas ng sigaw ng kanyang mga fans. Mahaba ang naging salpukan ng mga teams, ngunit tulad sa lahat ng mga paligsahan, isa lamang ang kailangang magwagi. Ngunit alam ng lahat na kahit pa mahalaga ang manalo, ang pangunahing layunin ng inisyatibnang ito ay ang pagbuklodin ang mga pilipinong nasa iisang isla ng sicily lamang, bigkis ng iisang pagmamahal sa isports. Ang mga sumusunod ang risulta ng paliga sa taong ito.

Basketball  Seniors CHAMPION: Black Nazareno

1ST Runner-up: Mabinians

2nd Runner-up: Tropang Chichilaok

3rd Runner-up: Mindorenians

4th Runner-up: A.C.F Comunita ASD A.C.F Sports

5th Runner-up: Habugbog

 

Basketball Juniors

CHAMPION:  Mabinians FP Sports

1st Runner-up: Malitam

2nd Runner-up: Tropang Sisiw

3rd Runner-up: Team Reject

MVP Season Basketball Senior – Paolo Arago

MVP Finals Basketball Senior – Rodolfo Dominguez

MVP Season Volleyball Girls – Crystelle Joyce Evangelista.

MVP Finals Volleyball Girls – Rochelle Beloso

VOLLEYBALL WOMEN:

CHAMPION: Mabinians

1st Runner-up: Subicanians

2nd Runner-up: Bibay

3rd Runner up: Lucila

4th Runner-up: Gallina

5th Runner-up:  ACF Sports

Quintin Kentz Cavite Jr.

Mga Dapat Malaman Tungkol sa ARTRITIS o RAYUMA

Paano gagamutin ang Artritis