in

Part 4 ng sagupaang Pacquaio at Marquez, tuloy na!

Muling magsasagupa sa isa pang 12 rounds sina Filipino ring icon Manny Pacquiao at Mexican legend Juan Manuel Marquez.

Roma, Setyembre 20, 2012 – Ito ang kinumpirma sa ginanap na press conference sa Beverly Hills, California, kung saan inihayag ang ikaapat na pagtatapat ng magkaribal sa Disyembre 8 (Disyembre 9 Manila time) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Isa lamang diumano ang adhikain ng dalawa sa Part 4 – ang tapusin ang laban sa pamamagitan ng 'knockout', dahil kapwa sila naniniwalang knockout lamang ang magtatapos sa kanilang karibalan.

Ayon kay Pacquiao, nais niyang burahin ang duda ng mga fans sa tatlong laban. Naniniwala rin ang dalawang boksingero at promoters na papasukin pa rin ng fans ang kanilang sagupaan dahil ina- asahan na nilang 'action-packed' ang magaganap na sagupaan.

Matatandaang unang nagsagupa sina Pacquiao at Marquez sa timbang na 125 pounds, sinundan ng 130 pounds at ang huli'y 144 at ngayo'y nakatakda sa 147 pounds.

Hinimok rin ni Pacquiao ang mga fans na suportahan ang laban dahil ipinapangako niyang masa-satisfied na ang mga ito sa kanilang makikita. Samanatala, para naman kay Marquez, ay tatlong beses niyang tinalo si Pacquiao, at hahangarin niya ngayon na ang kamay naman niya ang itataas ng reperi.

 

France: Karapatang bumuto sa halalang lokal simula 2014

Ika-limang araw ng regularization, 264 aplikasyon mula sa mga Pilipino