in

Pangarap ng Azkals sa 2014 World Cup, naglaho na!

altBagaman iniba ng Azkals ang kanilang taktika sa pakikipagtunggali sa Kuwait, naglaho pa rin ang pangarap para sa 2014 World Cup ng Philippine football team Azkals. Hindi dumating ang ipinagdarasal na himala sa Rizal Memorial Football Stadium, at nagsara ang second round na tinambakan ng Kuwait ang Azkals sa 5-1 aggregate advantage.

Natatandaang sa first leg pa lamang ay nabaon na ang Azkals sa 0-3 loss noong Hulyo 23 sa Mohammad Al-Hammad Stadium sa Hawalli sa teritoryo ng Kuwait.alt

Ayon pa sa report, nananatiling susuporta pa rin ang mga fans ng Azkals sa kanila sa kabila ng mga naging resulta ng laro kahapon dahil ang mahalaga diumano sa mga ito ay namulat ang mata ng mga Pinoy sa larong ito. “Soccer is now a real thing to Filipinos”, dagdag pa ng mga fans.

Ang grupo, gayunpaman, ay muling magsasanay kasama ang Under-23 Team sa Agosto bilang preparasyon sa Long Teng Cup sa Taiwan sa Setyembre.

Integration agreement, aprubado na! Tatlumpung puntos para manatili sa Italya

Ius soli temperato, para sa ‘Futuro e Libertà per l’Italia’.