in

Pacquiao at Marquez, parehong handa na sa sagupaan sa Sabado

Parehong naghayag ng pagiging handa sa pinakahihintay na muling paghaharap sa12-round battle sina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa MGM Grand Garden Arena sa darating na Sabado.

Matatandaang ang unang tatlong laban ay tunay na naging kontrobersyal.

Tabla ang laban noong 2004, kahit pa pinabagsak ni Pacquiao si Marquez ng tatlong beses sa unang round. Makalipas ang apat na taon, isang split decision ang nagpanalo sa Filipino icon. Taong 2011 naman, isang majority decision ang nagpanalo kay Pacman.

Ayon sa four-time world champion na si Marquez at kilala ring pinakamahusay na counter-puncher sa boxing history, ay siya diumano ang tunay na nanalo sa huling laban ng dalawa. Dahil dito, isang hamon buhat kay Pacquaio na maglaban ulit upang makita kung sino talaga ang tunay na mas magaling sa kanilang dalawa.

Maging ang kanilang mga trainer ay nagpahayg rin ng pananabik sa nalalapit na laban. Ayon kay Nacho Beristain, trainer ni Marquez, “This is going to be a tough fight. There's a lot of class in this fight.”

Samantala, ayon naman kay Freddie Roach, trainer ni Pacquiao, “I love this rivalry. The winner of this fourth fight will take the icing on the cake.”

 

Mini-decreto flussi, simula 9:00 am, ngayong araw na ito

Ako ay naging Italian citizen, maaari bang pagkalooban ng carta di soggiorno ang aking anak?