in

One Day Bowling Tournament ng Barangay Guinhawa, tagumpay

Pagkakaisa, ito ang ipinakita ng isang sikat na Barangay pagdating sa tatag ng samahan, ang Barangay Guinhawa, Tuy, Batangas.

Binulabog ng Barangay Guinhawa ang Tiam Bowling Roma sa isang One Day Bowling Tournament nitong nakaraang linggo July 27, 2019.

 

Umabot sa 49 na manlalaro. Trio ang naging tema ng palaro. Labing anim na teams ang nagtunggali. Sa katunayan, may isa na sa kagustuhang maging bahagi, kahit walang team ay sumali pa rin.

Sa sobrang dami ng suporters at cheerers, napuno ang buong bowling center.

Dahil na rin sa pagtutulungan mula sa Presidente ng Filipino Bowlers Association Italy Randy Fermo, buong TBAI o Tropang Bowlers Association in Italy na kinabibilangan ng Pangulo nito, Marlon Mercado kung saan myembro din ang Presidente ng Guinhawa at ang maybahay nito, Philip Dayandayan at Beth, pati na din ang ibang mga members nito, napagtagumpayan ito ng matapos ng masaya. Walang di kinakitaan ng ngiti.

Matapos ang ilang games nabigyan ng awards ang mga sumusunod na grupo:

2nd Runner Up -Team Ronald Ronald, Junriel and Montano

1st Runner Up – Team Raydell Raydell, Ronell and Greg

At ang Champion – Team Ryan Ryan Evora, Dick Dayandayan, Randy Villanueva

Lahat ay nag enjoy at gusto maulit muli ang tournament. Muling nasubukan ang magandang samahan ng bawat pinoy.

Norie Ignaco

 

Alam mo ba ang patakaran sa mga spiaggia sa Italya?

Hindi kailangan ang pasaporte at sapat na ang carta d’identita. Anu-anong mga bansa ito?