in

Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez, nagharap sa press con bago ang laban

altBago ang ikatlong kontrobersyal na laban ng dalawa sa boxing ring, ay nagharap muna ang Filipino ring icon na si Manny Pacquiao at ang amerikanong boksingerong si Juan Manuel Marquez sa isang press conference sa Las Vegas Nevada.

Malakas ang tiwala ni Marquez sa kanyang istilo ngunit ang improvement sa techniques naman ni Pacman ang pinaniniwalaan nitong magpapanalo sa kanya sa kanilang laban sa Linggo sa MGM Grand Garden Arena upang dipensahan ang kanyang titolo.

Samantala, ayon kay Manny Pacquiao ay sekondarya lamang ang premyong tatanggapin sa mga dahilan kung bakit niya tinanggap ang laban kay Juan Manuel Marquez.

“Hindi ko tinanggap ang labang ito for the mo­ney, secondary na lang yon, kasi, personal sa akin ang labang ito, I’m not mad, may parang nararamdaman lang ako na dapat kong patunayan sa labang ito,” aniya.

Si Pacquiao ay nakatakdang tumanggap ng mahigit $20 million sa labang ito, habang $5 million naman kay Marquez.

“Talagang may motivation ang labang ito sa akin, kung gustong manalo ni Marquez, mas higit ako, kasi ah, yung respeto kasi mahalaga sa akin, lagi niya sinasabi tinalo na niya ako ng dalawang beses,” dagdag pa nito.

Ayon sa report, hindi manonood ng laban ang ina ng Pambansang Kamao na si Aling Dionesia at nagpasabing maghihintay na lamang siya ng balita sa General Santos.

Apat na Filipino nireport dahil sa matinding pakikipag-away

Spinosini 2000 with Omega 3, matitikman sa Maynila