in

KAMPEONATO SA ONE-DAY FRIENDSHIP GAME NA INORGANISA NG B-DRINE,.. HINAKOT NG MILAN,..ROMA, PUMANGALAWA

MILAN, Italy – Hinakot ng Milan team ang kampeonato sa men and women’s volleyball sa isinagawang  One-day  Friendhsip  game na inorganisa ng  B-DRINE Group kamakailan sa Centro Sportivo Tuberose.

altNapaka-ingayat naging dikdikan ang laban sa pagitan ng team Milano  at  Roma Global sa  finals ng men’s  volleyball . Sa huli, hindi pumayag ang host team na maiuwi ng guest team ang tropeo.

Naiuwi naman ng Super Archers, isa pang team mula sa Roma ang ikatlong puesto.

Maaga  pa nang  dumating ang  koponan ng  Roma para sa laban ngunit nanatili  ang mga ito hanggang  matapos  ang laro at awarding dakong alas onse ng gabi.

Ayon kay  Joel Salva, coach ng Rome Global Team, bagamat inabot na sila ng hatinggabi,  masaya ang  kanyang team dahil naidaos ng maayos ang  liga bagamat di nila nasungkit ang kampeonato. “Masaya po kami, kahit po malayo an gaming tinakbo, pero ok naman po ang naging laro namin. Sana  maulit po lagi ang ganitong palaro upang yun mga bata natin ay hindi mapunta sa ibang bisyo,  alam na natin kung anong ibig sabihin. So ipagpatuloy po natin ang ganitong palaro, sana magtagumpay ang Pinoy “, dagdag pa ni Salva.

Todo  kantiyaw at hiyawan din ang naging salpukan ng  women’s  finals.

Hindi rin pumayag ang B-Drine Team na maagaw sa kanila ang titolo ng kampeonato. Naibulsa  ng JMS Team mula sa Rome ang ikalawang puesto  habang pumangatlo namana ng  Factors Torino

altTodo pasalamat ang organizer ng liga na pinangungunahan ni Bong Apego.  “Ako ay nagpapasalamat dun sa mga dumalo at kahit papaano ay nagkaroon kami ng kaunting kasiyahan.  Kahit papaano ay napagbigyan ko ang mga kabataan na magkaroon ng kaunting pagsasama at magkaroon ng isang laro na maayos nang sa ganun ang mga kabataan ay hindi malulong sa masamang bisyo,  diin ni Apego.

Plano ng organizer na  ipagpatuloy pa sa mga susunod na pagkakataon ang  paglulunsad ng liga na  lalahukan ng mga teams mula sa iba’t  ibang dako ng Italya.   (ZitaBaron)

 

MAKAHULUGANG KARANASAN NG MGA KABATAANG DUMALO SA WORLD YOUTH DAY SA BARCELONA,…IBINAGI SA PINAKA MALAKING YOUTH ENCOUNTER SA MILAN….

Bicolanos celebrate Penafrancia Fiesta in Milan