in

Willie at Manny, kinumpara!

“Ang makatulong sa mga mahihirap”, ito diumano ang parehong motibo ng dalawang programa kaya hindi naman maiwasan ang ikumpara ang dalawa; ang “Manny Many Prizes” ni Pacquiao at ang “Wil Time Big Time” ni Willie Revillame.

altKung namimigay si Willie Revillame ng pera sa studio audience ng Wil Time Bigtime, tinapatan ito ni Congressman Manny Pacquiao na na­migay rin ng libu-libong pera sa mga manonood sa loob ng AFP Theater noong Sabado.

Mas malakas lamang ang sense of humor ni Willie kumpara kay Manny na halata na may kaba sa kanyang unang hosting job at kailangan pang lalong maka-relate sa mga televiewers, tulad ng ginagawa ni Willie.

Successful ang pilot telecast noong Sabado ng Manny Many Prizes dahil mataas ang live ratings nito. Nakakadismaya lang ang kakulangan ng disiplina ng audience na nakita sa AFP Theater. Nagka-gulo ang mga ito sa mga ipinamigay na loot bags gayun din sa Pasa Glove segment na naging dahilan ng sa pansamantalang pagpapahinto dito.

Ngunit gaya ng ipinangako ni Manny, ipinamigay nito ang house and lot, kahit hindi nahulaan ng contestant ang bahay na naglalaman ng salitang bahay at lupa.

 

Few cheap family vacation ideas…

Pinakbet o Pakbet Recipe