in

Whitney Houston, sumakabilang buhay na

alt

Ang impormasyon ay inilabas hatinggabi kahapon sa media ng agent ng singer. 
Ang katawan ng bituin ay natagpuan sa isang hotel sa Beverly Hills. Ang singer, ayon sa mga report, ay matagal na ang pagkagumon sa droga.

Isang gabi bago maganap ang Grammy Awards 2012, ang mundo ng musika ay magpapaalam kay Whitney Houston. Ang kilalang mang-aawit at artistang babae ay namatay sa edad na 48. 
Ang kanyang katawan ay natagpuan sa isang silid sa ikaapat na palapag ng isang hotel sa Beverly Hills, Los Angeles. “Bandang 15:55 oras na lokal (00:55 sa Italya) si Whitney Houston ay inihayag na sumakabilang buhay sa Beverly Hilton hotel,” ayon sa head police na si Mark Rosen. Sa ngayon ay walang pang opisyal na impormasyon ukol sa sanhi ng kanyang kamatayan.

SINGING CONTEST, HANDOG NG CLUB C.O.S.Y. SA KANILANG KAUNA-UNAHANG ANIBERSARYO

Natuturuan ba ang puso? Ikalawang bahagi