Sen. Escudero , inaming girlfriend si Heart

Oktubre 5, 2012 – Inamin na ni Senador Francis Escudero ang tunay na relasyon nila ng Kapuso actress na si Heart Evangelista matapos maging mainit ang mga balita ukol sa pade-date diumano ng dalawa.

Ayon sa mga report, ang pag-anim ay ginawa ni Escudero nang magpaalam na ito sa programa ni Kris Aquino sa ABS-CBN na Kris TV kung saan naging co-host ng show ang senador at kinailangan nitong nagpaalam sa programa matapos maghain ng kanyang certificate of candidacy sa Commission on Elections (Comelec).

Sa programa ay naging mausisa diumani si Kris ukol sa tunay na estado ng relasyon ng dalawa. Ngunit sa bandang huli ay inamin ng senador na girlfriend na nya ang aktres.