in

Mga nominado sa 2012 Asian TV Awards

Sina Coco Martin, Korina Sanchez, Boy Abunda, Michael V., Gabby Eigenmann, Art Acuna, at Sharlene San Pedro ang mga Pilipinong nominado sa 2012 Asian TV Awards na gaganapin sa Singapore na nalalapit na December 6.

Dalawang magkahiwalay na episode ng Maalaala Mo Kaya ang nagbigay kay Coco Martin ng best actor nomination (MMK, Kamao) at samantala kay Sharlene San Pedro ang best actress nomi­nation (MMK, T-shirt).

Si Korina Sanchez para sa Best Current Affairs Presenter sa kanyang programa, ang Rated K (ABS-CBN). Ang The Bottomline ni Boy Abunda ay Best Talk Show nominee samantala nominado naman si Michael V. sa Best Comedy Performance by An Actor (Bubble Gang, GMA 7).

Si Gabby Eigenmann ay nominado sa Best Actor In A Supporting role sa Munting Heredera, at si Art Acuna ang kalaban nito sa The Kitchen Musical.

Ang ASAP Rocks (Gives Back) ng ABS-CBN ang Best Music Programme at ang Bilang Tao: Kubeta ng TV5 at Philippines: Pagpag ng CNN International sa Best Single Story/ Report Category.

Ang Project Runway Philippines ng Solar Entertainment at ang Survivor Philippines Celebrity Double Showdown, ang reality show ni Richard Gutierrez sa GMA 7, ang dalawang reality show sa Pilipinas sa kategorya ng Best Adaptation of an Existing Format.

Sa Best Talk Show category ang Chef VS Mom ng TV5.

Ang Bandila: Sendong's Wrath ng ABS-CBN sa Best News ­Programme at ang A Sojourn Home: The Filipino Zookeeper ng Channel 8, Singapore.

 

Mga ipinapanganak na sanggol, patuloy ang pagbaba sa bilang

Sanatoria – Nob 16, deadling ng mga kumpanya sa pagbabayad ng arretrate