in

Megastar, proud sa pagpayat!

altMatapos ang ilang buwang hindi pagpapakita ni Sharon Cuneta ay muling nagpa-interview ang Megastar at masayang ibinalita ang kanyang pagpayat.

“I cut out  as much as carbo as I could. Wala akong set na diet,  it’s really a mixture. I have a cousin who’s kind of a health buff so she tells me na ganito ganyan tapos, hinahalo ko sa ibang diet na na-try ko na, aba nag-work naman,” ayon kay Cuneta sa isang interview.

Ayon pa sa aktres ay halos 10 kilo na ang nabawas sa kanya at inaasahan pa niya ang patuloy na pagbawas sa timbang nito.

Idinagdag pa nito na ang itinuturing na kapatid na si Judy Ann Santos-Agoncillo ay malaki rin ang naitutulong sa kanyang pagpapapayat.

Samantala, kinumpirma ng aktres ang pagkakaroon ng pelikula ngayong taong ito at tila uumpisahan na sa Oktubre.

“Basta ang role ko ay nagta-trabaho sa call center, the story is about family” ayon pa dito.

Bilang pagtatapos, inaasahan din ng aktres ang pelikula nila ni Gabby Concepcion na dating asawa nito.

 

Padania: Lagyan ng buwis ang mga remittances!

Regularisasyon? Isang ‘indecent proposal’