in

Lea Salonga, Unang Pinay sa Disney Legend

altSa gitna ng pinakamalaking Disney event sa Amerika, tinanggap ng multi-award winning singer na si Lea Salonga ang parangal bilang unang Pinay na napabilang sa Disney legends.

Isa si Lea sa labindalawang nakatanggap ng parangal mula sa Disney Company para sa kanyang malaking kontribusyon sa ilang Disney films. Matatandaang hinangaan ng marami ang boses ni Lea Salonga sa mga film ng Walt Disney tulad ng “Aladdin” (1992), “Mulan” (1998) at “Mulan II” (2004).

Natanggap ni Lea Salonga ang nasabing parangal sa pagdiriwang ng D23 Expo, isang tatlong araw na pagdiriwang na iniaalay sa lahat ng mga tagahanga ng Disney sa buong mundo.

Tinaggap ni Salonga ang award at halos mapaiyak ito sa harap ng halos 4,000 fans sa standing ovation ng mga ito at walang humpay sa pagpalakpak sa katangi-tanging talento ng Pilipina.

OFWINNER CARAVAN TAGUMPAY SA ROMA

Regularisasyon: Magkakahalaga ng 3 billion euros kada taon…