in

Fans ni Jessica, humihingi ng suporta

altRome, Mayo 21, 2012 – Patuloy ang panawagan at paghingi ng suporta, maging sa panalangin, ng mga fans ni Jessica Sanchez, ang Filippina-Mexican-American  contender sa gaganaping gran finale sa May 22 ng “American Idol”.

Lalabanan ni Sanchez, 16 yrs old  si Phillip Phillips, 21 mula Giorgia sa two-night season finale ng “American Idol.”

Ang mananalo ay malalaman sa susunod na araw (May 23 sa Pilipinas).

Kung saka-sakaling si Sanchez ang magwawagi, na syang inaabangan ng maraming Filipino sa buong mundo, sya ang magiging kauna-unang Asian-American na magwawagi sa contest, pinakabatang tatanghaling winnerat ang pinaka unang winner na sinalbang contestant ng mga judges nito

Matatandaang si Sanchez ay nakatanggap ng pinakamababang bilang ng boto matapos ang kanyang performance noong April 12. Samantala noong sumunod na araw, ang talong judges ng “American Idol” ay piniling sagipin ito upang manatili sa kumpetisyon.

Stop ang direct hire. Paano na ang kasunduan ng Italya sa ibang bansa?

Camille Ann Cabaltera, ang Talentadong Pinoy sa Firenze