in

“O Aking Bandila”

altNapakagandang tingnan ka
o aming mahal na bandila
habang iwinawagayway kita
sa simoy ng hangi’y naglalaro ka
isang karangalan ika’y madala
sa harapan ng mga Pilipinong kapwa!

Napakagandang tingan ka talaga
sa sikat ng araw lalo pang nakita
mga kulay mong kaaya aya sa mata
tumitingkad at kumikinang lalo pa
sa kapwa’y kita ang sa ‘yo’y paghanga
sagisag ka nga ng ating bansa

Napakaganda itong nadama
inip at kapagura’y ‘di na alintana
mas matimbang na ang ligaya
karangalan na ang pagsilbihan ka
laging iisipi’t isasapuso isang panata
ang mahalin at ipagtangol ka, o aking bandila!

(by: Demeterio-Bong Rafanan)

 

4,782 births in the Philippines daily

ITIGIL NA ANG PAMAMASLANG!!!