in

Puting Usok Hatid Ay Pastol Ng Pag-Asa

 

Maitim man ang mga ulap sa kalangitan

Nagbabadya pa rin ng mahabang kadiliman

Ngayo’y liwanagat pag-asa’ynakamtan

Isang kandila’y nariyan, muling nasindihan

Kasama ng puting usok ang hahawakan niyan

Pastol na matatag, simbaha’y kanyang gagabayan

 

Tunay siyang pastol na mapagkakatiwalaan

Tulad ng pinakamaputing marmol ang kalooban

Malinis, may magandang asal at hindi mo mapupulaan

Pag-ibig sa salapi’t lama’y kanyang tinatalikuran

Kita ang tapang sa harap ng anumang kasamaan

Hinaharap, boses na mahinahon ang pamamaraan

 

Isang boses na galing sa malayo

Napakalayo, wari ba’y dulo ng mundo

Dumaragundong tulad ng kulog sa artiko

Pumapasok, diretso sa ‘ting mga puso

Nagsasabi, “ngayo’y tayong lahat narito”

“lumabas na sa dilim, sa ki’y sumunod kayo”

 

Binibigkas niya’y isang paanyaya

Paglalakbay sa kanyang pangunguna

Kapit kamay mga kapatid sa paniniwala

Hiling niya’a kapatirang tunay sa bawat isa

Wagas na pag-ibig, mayroong pagtitiwala

Mapayapang paglalakba’y simula’t umaasa

 

Mga nananalig ay maglalakad at siya’y kasama

Sa mga puso’y may dalang bakal na paniniwala

Kung wala’y di nga’t may piring, madaling nawawala?

Nabibingi’t nabubulag, tamang daa’y di makita

Kaya’t siya’y isang gabay, kaligtasa’y kanyang isinisigaw

Ang makarinig, sumunod nang hindi maligaw

 

Puting usok nagbigay ng pag-asa

Isang pastol, may hawak na kandila

Isang boses mayroong hiling at anyaya

Ibangon ang simbahang inaanay at natutumba

Bakuran ng pag-ibig at matibay na paniniwala

Pastol siya, sugo ng pinakadakilang lumikha

(ni: Demetrio ‘Bong’ Rafanan)

 

 

 

Pensyon sa pagreretiro o pensione di vecchiaia, anu-ano ang mga requirements?

Parma: Mga imigrante ibinalik ang susi sa bagong alkalde ng M5S