in

Kuwait Airways: Mula Oct 29, 2018: 3 flights linggo-linggo sa Manila mula Milan Malpensa, via Kuwait City

Sa pagbubukas sa Milan Malpensa airport, bilang karagdagan sa Roma Fiumicino, ay ikokonekta araw-araw ng Kuwait Airways sa unang unang pagkakataon ang Italya sa Maynila, via Kuwait.

Mayroong flight mula sa Milan Malpensa 3 beses sa isang linggo: Lunes, Huwebes at Sabado ng alas 2: 00 ng hapon at dadating sa Manila ng alas 4:25 ng hapon sa susunod na araw.

Samantala ang lingguhang flight naman mula sa Roma ay apat: Martes, Miyerkules, Biyernes at Linggo ng ala 1:20 ng hapon at dadating sa Maynila ng alas 4:25 ng hapon sa susunod na araw.

Ang Kuwait Airways ay lilipad mula sa Italya sakay ng bagong Airbus 330 at mula sa Kuwait hanggang Manila ng bagong Boeing 777- 300ER, parehong nagbibigay sa mga pasahero ng komportableng biyahe ng pinakahuling henerasyon, internasyunal na lutuin, high-tech onboard entertainment sa 3 kategorya (Economy, Business at First Class).

Maaaring mabili ang mga Kuwait Airways ticket sa www. kuwaitairways.com, o tumawag sa Ticket Reservation Office sa Italya 06 42.364.201, o sa inyong paboritong mga travel agency.

Bukod dito, para sa mga Frequent Flyer Customer (OASIS) ay maaaring madagdagan ang biyahe sa pamamagitan ng bagong koneksyon sa Milan Malpensa.

Ang paglahok sa fidelity program ay libre (Oasis Club). Karagdagang impormasyon at registration online sa website www.kuwaitairways.com, Kuwait Airways

 

Rappresentanza Generale per l’Italia

 Via Barberini 11 00187 Roma

 Tel. 06 423641 – 06 42364201

Fax 06 4746151

rom@kuwaitairways.com

Bonus bebè, hanggang 2018 na lang

Ano ang Kolesterol? Kailan ito nagiging masama sa ating katawan?