in

ARAW NG MGA PUSO

May dalawang pusong, pinag-isa ng pag-ibig

Pinagtali ng pag-asa, ng tiwala’t pananalig

Ang matamis na sumpaa’y, nanatiling bukang-bibig

Ako’t ikaw tayong dalwa, magunaw man ang daigdig

Ang hagupit ni Kupido, ang syang naging pamantayan

Na sila ay magsasama, sa dulo ng walang hanggan

Walang unos na pupwedeng, sa kanila ay hahadlang

Maging kulog maging kidlat, ay kanilang lalabanan

Oh kay sarap ng magmahal, oh sarap ng umibig

Sa dalawang magsing-irog, kulay rosas ang paligid

Ang kislap ng mga mata, puro ligaya ang hatid

Walang hindi madadarang, sa tindi ng mga titig

Ang hininga’y mapupugto, sa yakap na anong higpit

Ang puso ay nagwawala, sa madalas na pagpintig

Ang matamis na panaghoy, ay tila ba isang awit

Na hindi ka magsasawa, na palaging naririnig

 

Ang sumpaa’y nanatiling, hawak-hawak ni Kupido

Na anuman ang mangyari’y, hindi sila magbabago

Kahit sibat ang iharang, kahit magunaw ang mundo

Ikaw-ako tayong dal’wa, sa harden ng paraiso

Ang sigaw ng mga puso’y, umaabot hanggang langit

Ang lahat ng mga angel, sumasabay sa pag-awit

Gumagawa ng musika, ang dalawang magsing-ibig

Walang hindi maaakit, sa malambing nilang tinig

Ang Perbrero’y itinakda, sa dalawang magkasuyo

Kung kailan silang dal’wa, ay pamuling magtatagpo

 Ang panahong inilagi, na sila ay magkalayo

Ay pa muling magkikita, SA ARAW NG MGA PUSO

Letty Manigbas Manalo

 

Reddito di Cittadinanza, paano matatanggap ng mga dayuhan?

Araw ng mga Puso, ang pinagmulan