in

Walang SPID? Narito kung paano magkaroon ng Green Pass

Simula August 6, ang Green Pass ay mandatory sa Italya sa pagpasok sa mga restaurants, museums, amusement parks, cinema, concert at iba pang aktibidad na ginagawa sa indoors.  

Green Pass, gamit ang SPID

Tulad ng unang inilathala ng Ako ay Pilipino, ay may limang paraan para magkaroon ng Green Pass. At gamit ang SPID (Sistema Pubblico di Identità Digitale), o bilang altenatiba ang CIE o carta d’identità elettronica, ang pagkakaroon ng nasabing dokumento ay ginawang madali sa app IO, sa Fascicolo Sanitario Elettronico Regionale at sa official website na www.dgc.gov.it. 

Green Pass, walang SPID

Sa sinumang walang SPID ay posible pa ring mai-download ang Green Pass at ang mai-save ito sa smart phone. Ang proseso ay bahagya lamang mas mahaba, kung ikukumpara sa pagkakaroon ng SPID.

Gayunpaman, upang magkaroon ng Green Pass nang walang SPID sa pamamagitan ng app Immuni (https://www.immuni.italia.it/download.html)at ng official website ng www.dgc.gov.it, (https://www.dgc.gov.it/spa/public/) ay kakailanganin ang mga sumusunod:

  • Huling 8 digits ng numero identificativo ng tessera sanitaria,
  • Expiration date nito at 
  • AUTHCODE na natanggap sa pamamagitan ng SMS o email, isa o dalawang araw makalipas mabakunahan. Samantala, para sa mga sumailalim sa molecular o rapid test, ay ang CUN o NRFE code at sa mediacl certificate ng paggaling, ay ang NUCG code. 

Green Pass, walang SPID, walang code, sms o email

Samantala, ang mga mamamayan na nahihirapan sa paggamit ng high technology, walang SPID at hindi nakatanggap ng sms o email mula sa Ministry of Health, ay maaaring lumapit sa sariling medico di base at mga pharmacies at gamit ang tessera sanitaria ay matatanggap ang printed green pass. 

Samakatwid, narito ang mga mahahalagang link upang magkaroon ng Green Pass

(PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 11 Average: 3.1]

Booking ng mga magpapabakuna, tumaas ng 15% hanggang 200%

Call Center, para sa bakuna kontra Covid19 ng mga dayuhang walang codice sa Lombardia