in

Sino ang makakatanggap ng increase sa sahod simula Oktubre batay sa bagong CCNL?

Tulad ng unang inilathala ng Akoaypilipino.eu, tataas hanggang € 118,00 ang halaga ng domestic sector, partikular sa mga pamilyang mayroong babysitter na nag-aalaga ng mga bata na may edad 6 na taong gulang pababa at sa mga pamilyang mayroong caregiver na nag-aalaga ng dalawang matanda na hindi autonomous o non-autosufficienti.

Ayon sa ulat ng ilsole24ore, para sa dalawang nabanggit, babysitter at caregiver, ang bagong pirmadong CCNL ay nagsasaad ng bagong kompensasyon, na idadagdag sa kanilang sahod na nagkakahalaga ng € 115,76 kada buwan para sa mga baby sitters ng mga bata under 6 at € 100 naman kada buwan sa mga caregivers na nasa level C Super at D Super, na nag-aalaga ng higit sa isang tao na non self-sufficient. Ang mga halagang nabanggit ay magsisimula sa buwan ng Oktubre 2020.

Samantala, simula Enero 2021 ay magkakaroon din ng increase sa sahod ang  mga naka-live in na may level B Super, ang increase ng € 12 kada buwan. 

Samantala, simula Enero ay mado-doble rin ang kontribusyon sa Cassa Colf – mula € 0,03 kada oras sa € 0,06 – 2/3 nito ay babayaran ng employer at 1/3 naman ang babayaran ng worker. 

Para sa halaga ng kontribusyon sa Inps, ay kailangang hintayin ang taong 2021.

Mga grupo ng Pilipino, nakiisa sa Race For The Cure 2020 sa Bologna

State of Emergency, extended hanggang January 31, 2021