in

Rimborso 730 senza sostituto, kailan matatanggap?

Ang rimborso 730 senza sostituto d’imposta ay ang tinatawag na tax refund.  Ito ay matatanggap ng mga guwawa ng dichiarazione dei redditi sa pamamagitan ng 730 hanggang sa itinakdang deadline nito. Dito ay kasama ang mga colf, badante at caregivers dahil ang employer sa dometic job ay hindi kumakatawan bilang sostituto d’imposta o witholding agent. 

Samakatwid ang refund ng mga domestic workers ay direktang magmumula sa Agenzia dell’Entrate. Itosa pamamagitan ng bank transfer sa bank postal account. 

Kailan matatanggap ang 730 tax refund o rimborso senza sostituto d’imposta 

Sa buwan ng Disyembre ay maaaring matanggap ng mga colf at caregivers ang:

  • Abiso ng refund o mandato di pagamento mula sa Agenzia dell’Entare;
  • Rimborso direkta sa bank o postal account. 

Ang tax refund o rimborso 730 senza sostituto ay sisimulang ipadala ng Agenzia dell Entrate sa mga bank o postal account  sa December 15, 2021. PAALALA: Ito ay ang petsa kung kailan simulang magpapadala sa mga account ng rimborso. 

Gayunpaman, hindi lahat ay makakatanggap ng rimborso 730 sa buwang nabanggit. Siguradong makakatanggap nito ang mga aplikante na nagbigay ng wastong bank details bago ang buwan ng Nobyembre 2021. Matatanggap nila ang rimborso o refund hanggang sa katapusan ng buwan ng Disyembre

Samantala, ang hindi naman nagkapagbigay ng bank details ay makakatanggap ng abiso ng refund o mandato di pagamaneto del rimborso 730 sa buwan na ito. At matatanggap ito hanggang sa buwan ng Marso ng susunod na taon. (PGA – source Agenzia dell’Entrata)

Click to rate this post!
[Total: 6 Average: 3.2]

Higit sa 20,000 katao, naitalang nag-positibo sa Covid19

State of Emergency ng Italya, extended hanggang March 31, 2022