in

Nagbayad ng € 200,00 bilang kontribusyon sa aplikasyon ng italian citizenship. Paano babayaran ang karagdagang € 50,00 hatid ng decreto Salvini?

Ang kontribusyon ng lahat ng mga aplikasyon para sa italian citizenship ay nagkakahalaga na ng € 250,00 simula Oct 5, 2018.

Ito ang araw kung kailan inaprubahan ang decreto Salvini at simula sa araw ding iyon ay tinaasan ang halaga ng ’kontribusyon’ sa pag-aaplay ng Italian citizenship: mula € 200,00 sa € 250,00.

Dahil dito ay maaaring hingan ng karagdagang € 50,00 ang mga aplikante.

Gamit ang bollettino postale, isulat lamang ang conto corrente numero 809020 sa Ministero dell’Interno-Dipartimanto per le libertà civili e l’immigrazione at sa causale naman ay dapat isulat ang “cittadinanza-integrazione contributo”.

 

 

Mga dapat malaman ukol sa Aggiornamento ng Carta di Soggiorno

Mga Pagbabago sa Batas sa Citizenship hatid ng Decreto Salvini