Balota ng registered overseas voter sa pamamagitan ng koreo, paano?

Ako po ay isang registered overseas voter sa Italya. Nais kong ipadala sa akin ng Embahada ang aking balota para ako ay makaboto. Maaari ba ito at paano?

 

Roma, Marso 3, 2016 – Sa Italya kung saan mayroong kabuuang bilang ang registered overseas voters na 59,433 –  sa Roma ay mayroong 27,791, at sa Milan naman ay 31,634 – ay maaaring bumoto sa nalalapit na national elections sa Pilipinas sa pamamagitan ng dalawang pamamaraan:

  • personal na pagpunta sa embahada o konsulado
  • modified postal voting kung saan ang mga registered voters ay maaaring mag-request na ipadala sa kanilang address ang balota para gawin ang pagboto at muling ipapadala sa koreo o dadalhin ng personal sa embahada o konsulado. Ito ay ang tinatawag na modified postal voting.

Sa isang anunsyo ay ipina-aabot ng Embahada ng Pilipinas sa Roma sa mga registered voters na nagnanais na matanggap ang kanilang balota sa kanilang home address, ang mag-request nito sa Special Ballot Reception and Custody Group (SBRCG) hanggang April 22, 2016 sa pamamagitan ng sumusunod na pamamaraan:

  • email: ov2016romepe@gmail.com; 
  • fax sa (+3906) 3974-0872;
  • phone call sa numero +39 334 2390411 o +39 366 5936013 at hanapin ang Election Duty Officer.

Samantala, ang mga registered overseas voter sa North Italy ay maaaring gawin ang request sa pamamagitan ng:

  • email: election2016milan@gmail.com,
  • fax +39 0243911229.
  • Phone call sa numero +39.388.0933822 o +39.02.4398.6686 at hanapin ang Election Duty Officer.