in

Ang Certificazione Unica para sa Dichiarazione dei Redditi ng mga colf? Ano ito?

Ang Certificazione Unica para sa mga colf? Ano ito?

Ang mga colf at caregivers sa Italya ay may karapatang makatanggap ng Certificazione Unica (dating CUD) mula sa employer na kailangan sa paggawa ng tax return o dichiarazione dei redditi. Ito ay hindi tumutukoy sa form mula sa Agenzia dell’Entrate ngunit sa isang dichiarazione sostitutiva. Narito kung ano ito at kung ano ang nilalaman nito.

Ano ang Certificazione Unica para sa mga colf at badante?  

Ang Certificazione Unica (dating CUD) ay isang dokumento sa buwis na nagpapatunay sa kabuuang halaga ng sahod na ibinigay ng employer sa kanyang worker. 

Sa domestic job, ang employer ay kailangang ibigay ang Dichiarazione Sostitutiva di CU 2021 para sa kabuuang sahod na tinanggap ng colf, caregivers at babysitters. 

Ang sertipiko ay mahalaga para sa mga domestic workers sa

Partikular, ang sertipiko ay dapat na maibigay ng employer:

  • Sa buwan ng Marso hanggang 30 araw bago ang deadline sa paggawa ng tax return o
  • Sa pagtatapos ng employment o rapporto di lavoro dahil sa pagtatapos ng kontrata, pagpapaalis ng employer o pagbitiw sa tungkulin.

Ang mga nilalaman ng Dichiarazione Sostitutiva di CU 2021 para sa mga colf at badante

Ang Dichiarazione Sostitutiva di CU 2021  (dating CUD) para sa mga domestic workers ay walang standard format. Gayunpaman, ang deklarasyon ng employer ay dapat na palaging nagtataglay ng mga sumusunod na datos:

  • ang personal datas at mga codici fiscale ng employer at worker;
  • ang taon;
  • ang bilang ng mga araw na hindi ipinagtrabaho sa taong nabanggit (giorni di detrazione), na kasama rin ang mga panahon ng suspensyon ng trabaho);
  • ang kabuuang suweldo na binayaran sa worker sa naunang taon (kasama ang 13th month pay at mga kontribusyon);
  • mga kontribusyon sa social security (INPS) at Cassa Colf;
  • ang net salary;
  • anumang buwis na napapailalim sa IRPEF (overtime at bonus); 
  • TFR o separation pay (kahit advance separation pay)

Ang dichiarazione dei redditi at ang Certificazione Unica

Kapag natanggap na ang dichiarazione sostitutiva del CU, ang colf o badante ay may obligasyon gawin ang tax return o dichiarazione dei redditi at bayaran ang IRPEF (buwis) pati ang addizionali comunali e regionali (local ang regional tax), kung mayroon man. (colf-badanti.it)

Overweight at nais mabawasan ang timbang para sa nalalapit na tag-init?

bagong regülasyonlarla ng Italya Ako Ay Pilipino

Bagong regulasyon ng Italya sa mga babalik mula Europa