in

18 anyos na anak, maaari bang bigyan ng permesso di soggiorno per motivi familiari?

Ang aking anak ay 18 anyos na at siya ay mayroong permesso di soggiorno per studio. Siya ay nag-aaral at aking ‘carico’. Kailangan nyang mag-renew ng permit to stay. Maaari ba syang mag-request ng permesso di soggiorno per motivi familiari?

Ang mga anak na regular ang pananatili sa Italya sa bansa ay maaaring humingi o mag-request sa renewal ng permit to stay para sa pag-aaral (studio) o para sa pamilya (famiglia). Kung ang kahilingan ay para sa pamilyang dahilan, ay kinakailangang nagtataglay ng mga kondisyon na inilarawan sa ibaba.
Ipinapaliwanag sa Directive No. 17272/7 ng Ministry of Interior noong Marso 28, 2008, upang bigyan ng permesso di soggiorno per motivi familiari, ang mga magulang o isa sa magulang ay kailangang mapatunayan ang pagkakaroon ng mga requirements para sa family reunification o ricongiungimento familiare tulad ng pagkakaroon ng sapat na sahod at angkop na tahanan. Ang validity ng dokumento ay katulad ng validity ng dokumento ng magulang.
Sa katunayan, hanggang ang aank ay umaasa sa tulong pinansyal ng mga magulang, nag-aaral man o hindi, o nagta-trabaho at hindi maaabot ang minimum salary required para sa releasing/renewal ng permit to stay para sa trabaho, sa direktibang nabanggit ay ipagkakaloob ang renewal ng permit to stay sa mga anak ng mga non-EU nationals at mananatiling dependents ng kanilang mga magulang.
Sa aplikasyon ay kailangang ilakip, ang kopya ng mga dokumentasyon na nagpapatunay ng sahod ng magulang (CU, 730 o modello Unico at iba pa) at kopya ng dokumento ng magulang tulad ng pasaporte at balidong  permit to stay. Kung ang anak na nag-aaral ay nagta-trabaho rin, ay kailangan ring ilakip ang mga dokumentasyong ukol dito.
Ipinapaalala rin na ang balidong permesso di per motivi familiari ay maaari ring magamit para sa trabaho (subordinate o self-emplyed) o sa pag-aarala ng hindi kakailanganing i-convert o ang baguhin ito.
ni: D.ssa Maria Elena Arguello
isinalin sa tagalog ni: Pia Gonzalez-Abucay
Nais mo ba ng higit na impormasyon ukol sa permeso di soggiorno per motivi familiari sa Italya? Bisitahin lamang Migreat.com, ang aming sister website, para sa inyong mga katanungan.

Carta di soggiorno, pinawawalang bisa sa mga nawalan ng trabaho

Dayuhang substitute teachers sa mga paaralan sa Italya, aplikasyon simula April 30