in

Sinigang na Bangus with Puso ng Saging

Ang Sinigang na Bangus na may puso ng saging ay mayaman sa fibers, vitamin A, C,  E  at flavonoids.

Ang puso ng saging naman ay pinaniniwalalang nagtatanggal ng menstrual cramps bilang natural remedy practice.

 

 

Ingredients:

·      1 katamtamang laking Bangus (Milkfish) 1/2 kilo, walang kaliskis, malinis at hinati sa 6 na piraso.

·      2 hinog na kamatis, hiniwa

·      2 katamtamang laking sibuyas, hiniwa

·      1 katamtamang kaling labanos, hiniwa ng palihis

·      200 grams sariwang bulaklak ng saging, tanggalin ang bandang gitna

·      1 maliit na talong, hiniwa ng palihis

·      2 pcs Siling Haba

·      1 sachet Tamarind Sinigang mix

·      asin

Cooking instructions:

·      Sa isang kaserola, ilagay ang ikalawang hugas bigas at pakuluan.

·      Ilagay ang kamatis at sibuyas. Pakuluan ng 10 minuto.

·      Idagdag ang labanos at hayaang kumulo ng 2 minuto.

·      Ilagay ang bulaklak ng saging, talong, sili at Bangus at lagyan ng asin. Ilagay ang Tamarind mix at hayaang maluto ng 5 minuto.

·      Ihain ng mainit na may kasamang mainit na kanin at isang palitong patis.

14 na nominasyon sa 2013 New York Film Festivals TV and Film Awards

Paano gagawin ang enrollment online para sa school year 2013-2014?