in

World’s Best Bodybuilder, isang Pinay Mom

Luz McClinton, ang kauna-unahang Pinay na nagwagi sa Pro Fame Figure World Championship sa United States noong 2010, ay inuwi rin ang korona ng World Bodybuilding and Fitness Federation (WBFF) Southwest U.S. Championship sa Oklahoma, USA kamakailan.

Si McClinton ay nagwagi ng WBFF Pro Card winner and Figure World Champion at tinalo pa ang health and fitness expert na si Ashley Horner.   

Mas kilala sa Pilipinas bilang “Mama Luz” sa reality-show na Pinoy Big Brother, ay nagwagi rin ng bronze sa Diva Fitness category.

Nagpapasalamat diumano si McClinton sa lahat ng mga nanalangin para sa kanyang pagkapanalo at inaalay ito sa lahat ng mga ina at kay President Aqiuino.

Muling sasabak sa Berlin, Germany si McClinton  para sa panibagong kumpetisyon sa susunod na linggo.

Nagwagi rin sa Mama Luz sa ginanap na Phil-Asian Pacific International Body Building Competition sa Cebu City, bilang 2012 Cebu Philippines at 2012 UBFFP Ms. Phil- Asia.

Tinanggap din ang Fame International 2010 Champion, Iron pinoy Figure Champion 2010, Overall National Cebu Champion 2010, Fame Muscle Model Silver 2010, Ms. Boracay 2010, Ms. Physique Philippines 2009, Ms. Universe Figure 2009 at Ms. Fitness Philippines 2006.

 

Limang paraan kung paano gamitin ang inyong 13th Month Pay at Christmas bonus

GMA Network, official media partner ng J-Lo Dance Again World Tour