in

Voluntary manslaughter, hatol ng Court of Appeal sa menor de edad na Rom na pumatay kay Corazon

Mula sa ‘colposo’ o involuntary manslaughter, ginawang volontario o voluntary manslaughter ng Court of Appeal ang krimen ng 17 anyos na Rom na unang hinatulan ng anim na taong pagkakakulong. Kasalukuyang nagbibigay ng community service ang binatang pumatay kay Corazon Abordo Perez.

 

 

Roma, Abril 4, 2016 – Hindi pa nakukulong at marahil ay hindi makukulong si Anthony, 17 anyos ng campo rom Monachina sa Aurelia. Walong buwan ng nasa juvenile center at ayon sa mga report ay maayos ang pag-uugali nito. 

Samantala, bago magtapos ang buwan ng Pebrero, ang Court of Appeal Minor department ay hinatulan ng 10 taon at 4 na buwan pagkakakulong sa krimeng voluntary manslaughter, matapos ang apila noong Disyembre ni pm Rosina Romano pagkalabas ng unang hatol noong Nobyembre ng 6 na taon sa krimeng omicidio colposo o involuntary manslaughter. 

Matatandaang kinaladkad, sinagasaan at namatay noong Mayo 2015 si Corazon ‘Cory’ Abordo Perez sa Via Mattia Battistini, sa Boccea. Si Anthony ang nagmamaneho ng Lancia Lybra, sakay ang asawa, Maddalena, ang mas matandang kapatid, Samuele at ang ama, Batho.

Upang matakasan ang kontol ng awtoridad, itinodo ni Anthony ang accelerator ng sasakyan sa pedestrian line kung saan nasagasaan ang 8 katao kabilang si Corazon. 

Walang driver’s license at walang insurance ang binatang rom ay inaresto makalipas ang ilang araw ng pagtatago sa campo rom.

Noong unang inilabas ang hatol ng involuntary manslaughter ay hindi ito matanggap ng asawa at dalawang anak ni Corazon. “Tama na, aalis na ako sa Italya”, ang tanging nabanggit ni Rey Roxas Magsino sa kawalan ng katarungan. At hanggang sa kasalukuyan ang pamilya ay ipinagtatanggol ng abugado nito. 

Pumatay kay Corazon, hinatulan ng anim na taon

Pinay, patay matapos masagasaan ng tumatakas na kotse

Pinoy, patay sa pagsabog ng isang bar sa Roma

Meeting de Abanse ng Migrante Partylist at Neri Colmenares for Senator isinagawa sa Roma