in

TFCKat Talent Search sa Empoli

Firenze – Ang TFCKAT Talent Search sa Italya ay nagsimula sa Modena, at ngayon ay sa Empoli, bago magtungo ang grupo sa Palermo.

Nangangalap ang TFC o The Filipino Channel ng mga magagaling na Talents sa Italya upang maglaban laban sa Europe Finals na kinabibilangan ng mga winners mula sa France, Italy, Spain at London.  Ang mananlo sa Europe Finals ay dadalhin sa Pilipinas upang doon muling sasabak sa mas malaking kompetisyon.

Ginanap ang TFC Talent search sa Palazzo Delle Esposizione sa Piazza Guido Guerra, Empoli noong Mayo 27, 2012.  Ito ay inorganisa ng The Filipino Channel (TFC) Milan, Italy sa pangunguna ni Mr. Eric Chua, sa pakikipagtulungan ng Filipino European Association (FEA Empoli Onlus) Pres. Dennis Reyes. 

Labindalawang magagaling sa pagawit at sayaw ang nakipagtagisan ng kanilang talento na sina Maria Cleofe Cordova, Sanny Mermida, Megan Keith Mamplata, Sabina Fernando, Riah Lorraine Bermudo,  Jhonwell Gamboa,  Danilo Atienza,  Maria Camille Cabaltera,  Reanna Mallillin, Sheryll Gasic, Move Mechanics at Justin Salazar. 

Mahuhusay ang mga puna at komento ng mga judges na sina Mr. Albert Uy ng Western Union, Mr. Cesar Callangan ng Mega World at Model Mark Baron ng TFC France.  Mula rin sa TFC France ang magaling na host na si Katrina Baron at Raffzen Paul Pinon ng Firenze.  Masaya ang naturang Talent Search dahil kasama ang audiences sa pagbibigay ng puntos sa mga Talents, sa pamamagitan ng pagwagayway ng mga numero mula 1 hangga 10 para nagustuhan nilang nag perform. 

Tinanghal na winner sila JUSTIN SALAZAR at MARIA CAMILLE CABALTERA  sa Talent Search na ito. Sila ang magiging representante sa Italy TFC-KAT Grand Finals sa Palermo. 

Pandangal na panauhin ang butihing Hon. Consul Dott. Fabio Fanfani,  Confed Pres. Percival Capsa,  Filipino Nurses Ass. Of Tuscany Pres. Remely Abrigo Caraig,  Guardians Brotherhood Incorporated Founder Mario Caduan,  GBII Pistioa Chapter Founder Danilo Pagal at Pres. Morie Balaque,  GBII Empoli Chapter Founder Eugene Bumagat , UKP Litrato Klub Pres. Boie Escalante at VP Danny Gonzales at PGBI Azzura Empoli Chapter Founder Elegio Velo. 

Muli ang pasasalamat ng organizer sa major sponsors Danny Ignacio ng LBC at Mr. Albert Uy ng Western Union, gayon din kay Cesar Callangan ng Mega World, Professional Video Mr. Paolo Dara,  Avida Land Mrs. Jasmin Dabao, Century Properties Mr. Jesse Ramirez,  Italica Viagi Tour Mr. Eraldo Ciucci ,  SMDC Good Guys  Mr. Mel Villanueva,  VMobile Mrs. Nerissa Tadena at Ms. Mhel Agustin,  Mr. Efren Mamplata and Family at Mr. Armand Cruz and Ms. Sue Gecolea.  “Sa pamunuan ng TFC Milan at TFC France, sa mga contestant, sa FEA Empoli, sa Ako ay Pilipino News Mr. Argie Gabay at sa mga sumoporta upang maging matagumpay ang okasyon ito, isang pagbati at pasalamat, ito ay tagumpay natin lahat” pagtatapos ni Pres. Dennis Reyes. (ni:  ARGIE  GABAY)

 

Family reunification. “Isang taon at kalahating paghihintay sa Milan”

Expect Pinoy health workers in Italy soon