in

“STOP CHINA’S INVASION OF THE PHILS” PROTEST RALLY, KASADO NA SA HULYO 25 SA ROMA

Roma, Hulyo 24, 2013 – Kasado na ang Comunita Filippina di Roma (CFR) na binubuo ng religous at non-religous associations para sa pagsasagawa ng protest rally bukas laban sa China dahil sa pananakop sa mga isla sa Kalayaan Islands sa Pilipinas, sa Piazza del Popolo – ROMA mula 4:00 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi.

Ang rally ay bahagi ng global day of protest na pinamunuan ng US Pinoy for Good Governance (USP4GG) na ginanap nagyong araw na ito, Hulyo 24 sa United States, Asya, Middle East at Europa    upang malaman ng  buong mundo na tinututulan ng mga Pilipino ang  tahasang pananakop  ng China sa  mga isla sa Kalayaan Islands na, by geographical location, ay nasasakupan ng Pilipinas at  matigil ito.

 
Sa pagpupulong ng CFR para sa 2013 protest rally vs. China (CFR) kamakailan, sinabi ni Mher Alfonso, overall coordinator, inaasahang nilang mahigit 2,000 Pilipino ang darating sa Piazza del Popolo, sentro  ng napakaming turista sa Roma upang  makuha ang attention ng international community.
 
Sinabi ni CFR vice-coordinator Lito Viray na handa na ang mga working committees sa pagdagsa ng mga rallyists at hiniling din niyang ipaalam sa   Filipino communities  na magdala ng mga sumusunod: Phil. Flag/flaglets, placards , tubig na inumin at snacks, orange arm band na kulay ng protest rally (ang kulay ng Roma) at kandila na may holder  para sa pagtatapos ng rally sa isang commitment na maging kasapi ng Bantay Isla (ng Pilipinas). 
 
Hinikayat naman ni Monsignor Jerry Bitoon, European Network for Filipinos in Diaspora (ENFID) Central Italy representative, ang mga Pilipino sa Italia na lumahok sa protest rally dahil ito ay pakikipaglaban sa “sovereignty at economic prosperity” ng Pilipinas.
 
Batay sa report ng USP4GG,  target ng China na makuha ang isla ng Recto Bank kung saan may 213 billion barrels ng langis at 2 quadrillion cubic feet ng natural gas dito. Ayon sa huling ulat, nasakop na rin ng China ang  Ayungin Reef, ang gateway patungong Recto Bank.
 
Kaugnay nito,  pamumunuan sa Estados Unidos ni Atty. Loida Nicholas Lewis, presidente ng USP4GG ang protest rally sa East Coast at sina  Atty. Ted Laguatan at Rodel Rodis ng Global Filipinos  Diaspora Council  ang   sa California.
 
 Si Lewis, chairman ng Global Council Filipino Diaspora Council,  ay binansagang “ most wanted Filipino in China” dahil sa kanyang pamumuno sa kampanyang “Boycott Made-in China products”.  
(Comunita Filippina di Roma Media) 
 
 
 

Protesta pacifica contro l’invasione Cinese nelle Filippine, giovedì a Piazza del Popolo

Bagong kasunduan, ipinatutupad na ngunit kulang pa ang pirmahan sa Ministry