in

Sentensya sa 6 na Pinoy, nabawasan

Roma, Mayo 6, 2013 – Bahagyang nabawasan ang sentensya sa 6 na mga Pilipinong hinatulan ng pagkakakulong sa salang panggagahasa sa 17 taong gulang na Italyana noong nakaraang Abril 30, 2011 sa Pineta Sacchetti sa Roma.

Ayon sa mga report, ito ang naging hatol ng III Corte d’appello, kung saan bumaba sa pitong taong pagkakabilanggo si Jorel Perilla Palacol, at siyam na taon naman sina Rangiel Ralf Florel, Bryan Alnas Labador, Patrick Kenneth Navata Pancho, Stanley Samson at Roger Jasper Friedrich (na unang hinatulan ng primo grado at pagkakabilanggo ng 8 at 10 taon).

Samantala kumpirmado naman ang pagbabayad ng pinsalang nagkakahalaga ng 50,000 euros sa parteng sibil sa Comune di Roma at ito ay nakalaan bilang pondo ng anti-violence project ng Department of  Equal Opportunities.

 

Kontribusyon ng mga colf, babysitters at caregivers? Matatagpuan na rin online

Colf : 85% ay mga imigrante