in

Promising model ng isang Italian luxury brand, isang Pinay

Anna Kathrina Macatangay, mas kilala sa tawag na Kath

Siya si Anna Kathrina Macatangay, mas kilala sa tawag na Kath, ang promising Pinay model ng Women’s Spring Summer Collection 21 ng isang italian luxury brand.  Sa katunayan, matatagpuan ang larawan ni Kath sa front page mismo ng official website ng Dolce e Gabbana

When I saw my picture on the front page of the official website of Dolce e Gabbana. I couldn’t believe it! It was like a dream. I didn’t expect all of this and I can’t express my happiness through words but this is for sure one of my best blessings!”

Hindi mapapantayan ang tuwa ng 21 anyos at may height na 1,70 cm na si Kath. Isang Economy college student sa Catholic University of the Sacred Heart of Milan. Ipinanganak at lumaki sa Milan Italy. Ang kanyang ina, tubong Quezon at ang kanyang ama, tubong Batangas, at ang nakababatang kapatid, ang tanging inspirasyon ni Kath sa buhay. 

Sa kabila ng pagsisimula sa mundo ng entertainment at modeling at kabi-kabilang oportunidad, nananatiling prayoridad ni Kath ang kanyang pag-aaral at determinasyong makatapos. Sa katunayan, nakatutok si Kath sa nalalapit na final exams. 

I know it may be weird but my most unforgettable moments are when I pass all my exams”, kwento ni Kath. 

And ofcourse when I was chosen for Dolce e Gabbana” dagdag pa niya. “Ako ay nagulat at nasorpresa ng matanggap ko ang komunikasyon na ako ay napili para maging isa sa mga models. I am very thankful for this blessing”.  

Si Kath ay naging bahagi din ng iba’t ibang beauty contest sa Milan. ”Balik sa Basik” noong 2017, ”Miss Small World” noong 2018 kung saan nirapresenta niya ang bansang Pilipinas at tinanghal na 2nd runner-up at ang huli ay ang “Miss World Philippines-Italy”.

Nagsimula si Kath sa modeling sa pamamagitan ni Chona Bacaoco, tinatawag nya na Tita Bes, isang filipino designer na unang naniwala sa kanyang kakayahan sa modeling. Siya rin ang nagpakilala kay Kath sa fashion world at di nga naglaon, sya rin ang naging daan upang unti-unting makilala at marinig ang pangalan ni Kath. 

Taong 2018 ay natanggap niya ang isa ring magandang oportunidad sa Disney Channel TV. 

Nagkaroon ako ng maliit na role sa TV show na ‘School Hacks’ at ang shooting nito ay nagtagal ng isang buwan. Mahirap dahil ang shooting ay summer season pero it was a very unique experience! Nagkaroon din ako ng maraming kaibigan. At kinilig talaga ako nung nakita ko ang sarili ko for the first time sa screen”. 

Pagkatapos ng Disney experience ni Kath, natanggap din sya sa mga advertising spot at mga music videos ng mga italian artists. 

Nakakatuwa at nakaka-proud din kasi kumita ako ng sarili kong pera”. 

Marami pang pangarap at plano sa buhay si Kath ngunit pinipili niya na huwag ipaalam ang mga ito dahil ayaw niya na maging sentro ng atensyon, bagkus ay manatiling low-key at kumilos ng tahimik.

Ngunit ano nga ba ang sekreto ng dalaga upang marating ang tagumpay na ito? “I don’t have any secret! But for sure I wanted to be successful one day”, natatawang tugon ng dalaga. 

Madalas akong sumali sa mga castings, sa tulong ng aking my italian modeling agency. At kapag nagustuhan ang look at personality ko, napipili ako. People will judge you during these castings and in fact I got rejected multiple times, but it’s nothing too personal! That’s how the entertainment environment works!” 

May mensahe ka ba sa mga kabataang pinoy? 

Kung nais mong marating ang isang bagay, pagsumikapan mo ito! Huwag huminto dahil lang may nagsabing ito ay imposible para sa iyo. Mas mainam na sabihin “atleast I treid” kaysa ” I should’ve done it”. At huwag ding itulad ang iyong Chapter 1 sa Chapter 20 ng ibang tao

Your direction is more important than your speed”.

(PGA)

Sanitary napkins, tax-free sa Firenze

Kulay ng mga Rehiyon ng Italya simula sa May 3