in

Pinoy, tumanggi sa alcohol test at nilabanan ang awtoridad, arestado

Ang Pinoy, upang maiwasan ang makilala at sumailalim sa alcohol test ay nilabanan ang mga pulis at matapos ang maikling pakikipagtalo ay inaresto ito at kasalukuyang naka-house arrest.

Giarre, Enero 14, 2014 – Ang awtoridad ng Giarre (Sicily) ay inaresto ang isang 43-anyos na Pilipino dahil sa paglabag sa batas, paglaban sa awtoridad at pagtanggi sa pagbibigay ng personal information.

Ang awtoridad, sa pagsasagawa ng kanilang tungkulin ay tinawag ang pansin ng isang Pilipino na sakay ng 50 Vespa Piaggio kamakailan at inanyayahan itong sumailalim sa isang alcohol test.

Ayon sa report, upang maiwasan ang siya’y makilala at sumailalim sa imbestigasyon, ay nilabanan ang awtoridad, at matapos ang maikling pagtatalo ay inaresto ito at kasalukuyang naka-house arrest.

 

 

 

1 taong batang Pinoy, namatay matapos painumin ng asperin ng ina

Pagtaas ng minimum wage para sa mga colf, babysitters at caregivers, malapit na!