in

Pinoy, natagpuang walang buhay sa dagat

Isa na namang malungkot na balita ang hatid ng mga awtoridad sa komunidad ng mga pilipino sa Roma.
Natagpuan walang buhay ang katawan ng isang 54-anyos na pilipino sa dagat ng “Sabbie Nere” sa Santa Severa, probinsya ng Roma.
Napagalaman na ang lalaking namatay ay nakatira sa Cerenova sa Cerveteri.
Sa mga naunang ulat, agad umanong itinawag sa mga awtoridad ng mga nakakita sa bangkay na mabilis namang rumisponde, katulong ang Italian Coast Guard at mga scuba divers. Hindi nahirapan ang mga pulis sa pagkilala sa biktima dahil dala nito ang kanyang wallet na naglalaman ng mga dokumentos.
Walang duda na ito ay isang kaso ng suicide,ayon sa mga imbestigador, dahil nagiwan ng liham ng pagpapaalam ang biktima. Umaga ng araw ding iyon ay naireport na ng kaibigan ng biktima ang pagkawala nito matalos natagpuan ang suicide note, at agad na nagsimula ang paghahanap mula sa iba’t-ibang grupo ng mga search-operations team. Bandang alas 3 ng hapon nang matagpuan ang lumulutang na katawan ng sawimpalad na pinoy.
Dinala ang bangkay sa Santa Marinella cemetery para sa mga pormal na mga prosesong kailangang isagawa ng mga awtoridad. (Quintin Kentz Cavite Jr.)

Ano ang Test Sierologico Covid19?

Pinoy, Nagwagi sa Paligsahan ng Talento sa Bologna