in

Pinoy, kusang loob na sumuko

Reggio Calabria – Agosto 8, 2012 – Sumuko araw ng Linggo, (Agosto 5) sa Procura kasama ang kanyang abugado, ang nakasagasa at nakapatay sa isang residente sa Viale Calabria, isa sa mga principal road sa Reggio Calabria. Pinangalanang Guglielmo Iamonte, 37 taong gulang, ang biktima.

Ang salarin, isang Pilipino na 23 taong gulang ay mabilis na tinakasan ang aksidenteng naganap hatinggabi ng Sabado. Bandang alas dos naman ng madaling araw, matapos abisuhan ang ama ng salarin, ay nagtungo ito sa himpilan ng pulis upang humingi ng impormasyon. Ilang oras ang nakalipas ay kusang loob na sumuko ang binata.

 

Imbestigasyon sa pagkamatay ni Marcus, sinimulan na

Habagat, sinalanta ang Metro Manila at mga katabing lalawigan