in

Pinoy, inaresto dahil sa pananakit sa asawa

Isang Pinoy ang inaresto dahil sa pananakit sa asawa, sa araw ng pagdiriwang ng Stop Violence Against Women and Girls noong nakaraang Pebrero 14.

Milan – Pebrero 18, 2013 – Kasabay ng pagdiriwang ng Stop Violence Against Women and Girls, inaresto ang isang Pinoy, 30 anyos, noong nakaraang Huwebes, residente sa Via Brioschi, Milan dahil sa pananakit nito sa asawa.

Ayon sa mga awtoridad ng Via Moscova, ang Pinoy ay sinaktan ang kabiyak na Italyana, 35 anyos . at pasa-pasa ang mukha at putok ang labing natagpuan ng awtoridad. Ito ay matapos tumawag ng saklolo ang mga kapit-bahay bandang alas 10 ng gabi sa Via Brioschi dahil sa ingay, sigawan at pagbagsak diumano ng mga gamit sa loob ng tahanan ng mag-asawa. Natagpuan ng mga awtoridad at inawat ang galit na Pinoy at inaresto.

Ayon sa kabiyak, ay hindi ito diumano ang unang pananakit ng asawa dahil sa matinding selos.

Halos 1,000 na, lumabag sa gun ban

Citizenship by marriage, kailan isusumite ang aplikasyon?