in

Pinoy, inaresto dahil sa pambubugbog sa asawa

Lasing na umuwi ng bahay at binugbog ang asawa matapos tanggihan ang makipagtalik.

Milan – Marso 6, 2013 – Inaresto si Gerardo L., isang Pilipino, 49 anyos, matapos bugbugin ang asawa sa pagtanggi nitong makipagtalik. Naganap sa Via Jacopino da Tradate – Milan noong lunes ganap na alas 9 ng gabi.

Ayon sa mga report, nakarinig ang mga kapitbahay ng matinding sagutan sa pagitan ng dalawa, sapat na dahilan upang tumawag sa awtoridad. Lasing diumanong umuwi ng bahay ang Pilipino na pinagsimulan ng away ng mag-asawa. Nadagdagan ang galit ng lalaki matapos tanggihan ng kabiyak ang pakikipagtalik dito at lalong sinaktan ang kabiyak. Duguan, at puno ng pasang inabutan ng awtoridad si Misis at sinugod sa San Carlo Hospital.

Napag-alaman na ang Pilipino bagaman regular ay mayroon ng mga police report ng pambubugbog.

Citizenship: Panawagan ng bagong henerasyon sa mga bagong halal

Health Assistance ng mga dumating sa Italya pamamagitan ng family reunification