in

Pinoy, arestado dahil sa pananakit sa asawa

Abril 9, 2014 – Inaresto ang Pilipino kamakailan dahil sa patuloy na pananakit nito sa asawa. 
 

Panatag ang pagkaka-upo habang nanonood ng telebisyon ang lalaki habang magulo ang buhok, paga ang ilong at may sariwa pang dugo sa suot na damit ang babae sa pagbubukas ng pinto sa mga pulis bandang ala una y medya ng hatinggagabi kahapon matapos ang pananakit ng lalaki sa asawa nito sa Via Zuccaro, Milan. 
 
Ang mag-asawa, 33 anyos ang babae at 35 anyos ang lalaki, at parehong Pilipino, ay walang patid sa away magmula ng dumating sa Italya. Ayon sa Pinay, selos umano ang dahilan ng patuloy na pambubogbog sa kanya ng asawa. Sa kabila ng, matapos ang ginawang imbestigasyon ng mga pulis, ay napag-alamang ang lalaki naman ang nangaliwa. 

 
Mga bagay na kinumpirma ng tatlong anak (6, 9 at 11 anyos) na nasa kabilang silid habang sinasaktan ng ama ang kanilang ina. Ayon pa sa panganay, ito ay isa lamang sa ilang beses na pagbubuhat ng kamay ng ama sa ina.
 
Ang Pinay, may sugat maging sa leeg at braso ay binigyan ng 7 araw na pagpapagaling matapos isugod sa Policlinico.  
 
 

Pagbabago sa direct hire hatid ng legislative decree 40/2014

Design Philippines participates in World’s Largest Furniture Fair in Milan