in

Pinay, sumugod sa pronto soccorso dahil sa pananakit ng asawa

Isang 40 anyos na Pilipina, residente sa Albano Laziale, kasama ang menor de edad na anak, ang sumugod sa pronto soccorso ng San Sebastiano di Frascati hospital dahil sa natamong pasa, galos at sugatan ang buong katawan. 

Bagaman iniiwasang sabihin ng Pinay ang buong pangyayari, ito ay hindi ipinagwalang-bahala ng awtoridad. Mabilis na inimbistigahan ang mga pangyayari. Walang nagawa ang Pinay kundi ang umamin sa pananakit ng 40 anyos na asawa nito na naging sanhi ng mga pasa at sugat nito sa katawan. 

Hawak na ng anti-crime police ng Albano ang kaso at hindi nag-atubiling lumapit sa hukom para ilayo ang mag-ina. Kasalukuyang nasa ilalim ng proteksyon ng servizi sociali ang mag-ina at inilipat ng tirahan sa isang mas ligtas na lugar.

Nanganganib ang asawa nito na arestuhin ng awtoridad dahil sa ginawang pananakit.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ako Ay Pilipino

Sputnik, gagawin na rin sa Italya

Kahirapan sa pagkuha sa online appointment, isa sa mga sinagot ng Embahada sa virtual dialogue