in

Pinay, ni-report ang kasama sa apartment sa pagbebenta ng shabu

Milan, Agosto 2, 2013 –  Isang Pilipino, 40 anyos, ang inaresto kahapon ng awtoridad dahil sa pagbebenta ng bawal na gamot, ang shabu. Ito ay matapos i-report ng kasama sa apartment na isang Pilipina rin.

Kasalukuyang naka-house arrest ang Pinoy sa kanyang apartment sa Via Scanini kung saan natagpuan ang buong 85 grms ng shabu; isang maliit na dosage nito ay tinatayang nasa 0,1 gramo.

Sa ginawang raid ay natagpuan rin ang ilang mapa kung saan matatagpuang nakatanim ang marijuana, higit sa 5,000 euros cash at limang cell phones.

Ayon sa report, ang awtoridad sa pangunguna ni police officer Lorenteggio ay nagtungo sa tahanan ni E.L.S. matapos i-report ng kasama nitong babae sa nasabing apartment. Ayon sa kababayang Pinay ay mabait na pinatuloy siya at ang kanyang 2 anak ng suspect kapalit ang pagbebenta ng shabu. Ayon pa sa Pinay ay nabuntis ito dahil pinagsamantalahan diumano ng suspect.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng awtoridad ang mga kaganapan.

Chess clinic program para sa mga kabataang Pinoy, inilunsad ng FEMICA

China, nagreklamo sa resolusyon ng US