in

Pinay, namatay makalipas isang oras ng panganganak

Isang Pilipina ang nagsilang ng isang sanggol sa Cagliari. Ngunit makalipas ang isang oras ay sumakabilang buhay. Nag-file ng reklamo ang pamilya, ang Procura ay sinimulan ang imbestigasyon.

Cagliari, Pebrero 12, 2014 – Matapos manganak ni Ilagan Nurielyn, 44 anyos, sa “Villa Elena”, isang private clinic  sa Cagliari ng isang malusog na sanggol na babae ay nagkaroon diumano ng ilang komplikasyon. Ayon sa mga duktor, ay nagsimukap diumanong hanapin ang sanhi ng mga komplikasyon, ngunit sa kabila nito ay nagpatuloy ang paglala ng sitwasyon ng bagong ina hanggang sa sumakabilang buhay.

Ayon pa sa mga report, dalawang araw makalipas ang trahedya ay nag-utos ang Procura ng autopsya sa katawan ng babae at sinekwestro ang lahat ng medical records nito. Sa katunayan ang pamilya ng biktima ay nag-file ng reklamo sa awtoridad.

Istat: Tumaas ng 8,3% ang mga dayuhang residente sa Italya sa isang taon

P1.3-B ng Marcos Swiss funds, naibalik sa pamahalaan ng PCGG