in

Pinay, nahulog mula sa ika-limang palapag habang naglilinis ng bintana

Isa na namang Pilipina ang namatay sa Milan habang nasa trabaho at naglilinis ng bintana.

Isang 35 anyos na Pilipina ang namatay noong Biyernes matapos mahulog mula sa ikalimang palapag ng apartment kung saan nagta-trabaho bilang colf sa Corso Concordia, sa sentro ng Milan. 

Sa kasamaang palad ay agad na binawian ng buhay ang Pinay. Walang ibang tao sa bahay ng employer sa mga oras na iyon kung kaya’t ang mga kapitbahay ang tumawag ng saklolo. 

Ayon sa mga ulat, ang hagdan na ginamit ay nakatapat mismo sa bintana upang malinis ang labas na bahagi nito. Ngunit ang Pinay ay na-out of balance na naging sanhi ng pagkakahulog nito mula sa bintana at bumagsak sa cortile interno ng building. 

Ang biktima ay mayroong regular na permit to stay at ilang taon nang residente sa Milan.

Matatandaang isang 57anyos na Pilipino ang binawian ng buhay noong nakaraang April 6, 2021 na nahulog din mula sa ika-apat na palapag ng Viale Monza 114, Milan. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 6 Average: 4]

Tik-Tok, dahilan ng matinding away ng dalawang Pinay

Bakuna kontra Covid ng mga undocumented at nag-aplay ng Regularization, narito kung paano sa Lombardia