in

Pinay, binawian ng buhay sa aksidente sa Milan

Isang mainit na araw ng linggo ang naghatid ng malagim na balita sa komunidad ng mga Pilipino sa malaking syudad ng Milan.

Pasado alas 12 ng tanghali ng ika-28 ng buwan ng Hunyo nang mabalitaang patay ang isang 68-anyos na pinay sa Milano matapos itong mabundol ng isang sasakyan sa kahabaan ng Viale Fulvio Testi na halos nasa may crossing ng Via Salvatore Pianell. 

Naging malakas ang impact ng pagkakabangga, dahilan upang ang biktima ay tumilapon sa windshield ng sasakyan at sa bubong nito. 

Malubha ang naging pinsala sa katawan ng pilipina na naging sanhi ng pagkamatay nito. 

Ayon sa mga awtoridad, wala sa tamang tawiran ang biktima bagamat ang mga linyang tawiran ay hindi kalayuan. 

Isang 61-anyos na italyana ang nagmamaneho ng Audi 3 na agad namang sumaklolo sa biktima ngunit hindi maitatanggi ang trauma na tinamo nito at may ilang sandaling ito ay nakatulala dahil sa hindi makapaniwala sa nangyaring aksidente. Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at naghahanap pa ng mga nakasaksi sa nangyaring sakuna. (Quintin Kentz Cavite Jr.)

hand luggages

Hand luggages, ipinagbabawal na sa Italya!

regularization-2020

Regularization 2020: Patuloy ang pagdami ng mga aplikasyon, higit sa 80,000