in

Pilipino, arestado sa panghahalay ng kapitbahay

Milan, Abril 1, 2014 – Isang 41anyos na Pilipino ang inaresto kamakailan dahil sa panghahalay at pananakit sa kapitbahay. Naganap ang insidente bandang alas 7 ng gabi sa Via Rinuccini noong nakaraang Biyernes.

Humingi ng saklolo ang biktima, isang 43 anyos na Egyptian, matapos ang panghahalay at panghihipo ng Pilipinong kapitbahay. Bukod dito, ayon pa sa biktima, ay sinaktan din ang sumaklolo sa kanya, ang tiyuhin na 65 anyos.

Ayon sa report, sumaklolo ang tiyuhin ng biktima matapos marinig ang malakas na sigaw ng pamangkin. Nagsimulang mag-away at magka-suntukan ang dalawa hanggang sa mahampas ng Pinoy ang tiyuhin ng biktima.

Inaresto ang Pinoy ng awtoridad ilang oras matapos tumakas mula sa lugar ng insidente.

Samantala, ang Egyptian ay ginamot sa pamamagitan ng mga kawani ng 118 na dumating kasama ng awtoridad.

Abril 10, deadling ng unang konribusyon sa Inps sa 2014

Pinoy, ni-report dahil sa pangingikil