in

Panghahalay sa sariling anak, Pinoy arestado!

Inaresto ng Carabinieri della Stazione di Capua (Caserta) noong Sabado, June 5, ang 56 anyos na Pilipino at 15 taon ng residente sa Italya, na suspek sa panghahalay sa sariling anak na menor de edad. 

Ayon sa ulat ng pulisya, sinimulan ang imbestigasyon noong nakaraang Mayo matapos magkalakas-loob na ipagtapat ng biktima, na ngayon ay 16 anyos na, sa kanyang tiyahin ang sinapit mula sa sariling ama. Hindi naman nag-aksaya ng panahon ang tiyahin at dinala ng pamangkin sa pulisya upang i-report ang mga pangyayari.

Mabilis ang naging aksyon ng awtoridad at sinimulan agad ang imbestigasyon, kabilang ang masusi at protektadong pagdinig sa menor de edad at ang psycho-diagnostic test. Sa ginawang pagdinig ay ikinuwento ng dalagita ang detalyadong panghahalay ng ama na nagsimula ng siya ay siyam na taong gulang pa lamang hanggang sa sumapit ng katorse.

Isang Warrant of Arrest laban sa Pinoy ang ipinalabas ng Procura di Santa Maria Capua Vetere. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 16 Average: 4]

Ako ay Pilipino

International students sa Italya, narito ang proseso para sa academic year 2021-2022

Bakit dapat gawin ng mga dayuhan ang komunikasyon ng cambio residenza?