in

Pamela Marie Cotugno, ang Bb. Pilipinas – Italy 2012

Roma, Setyembre 13, 2012 – Hinirang na Bb. PILIPINAS – ITALY 2012 si Pamela Marie Cotugno, 17 taong gulang mula sa Filipino Community of Naples sa ginanap na Search for Bb. Pilipinas –Italy 2012 noong nakaraang linggo, Sept 9, 2012 sa Teatro Vigano sa Rome.

Pinangunahan ng Filipino Association of Talents in Europe (FATE) at ng TERMINI Association of Filipinos ang ikawalong taon ng prestihiyosong beauty contest na nilahukan ng 11 dalagang Pinay buhat pa sa iba’t ibang parte ng Italya.

“Para sa akin, ang pinaka mahalagang propesyon ay ang nauugnay sa medisina, ngunit wala ng papantay pa sa pagiging isang midwife dahil sa pagsasakatuparan ng biyaya ng buhay sa pamamagitan ng pagpapaanak sa mga bagong silang na sanggol”, ito ang mga katagang binitawan ni Pam sa question and answer portion na nagkumpleto at nagkumpirma sa pagiging Bb. Pilipinas Italy 2012.

Naging tila mabigat ang labanan di lamang dahil tunay na magagaling at matatalino ang lahat ng mga candidates.  Pinatunay din ito ng bahagyan puntos na diperensya sa pagitan ng mga nag-uwi ng korona.

Ang Candidate no. 11 na si Denie Francesca Carrascoso, ang Bb. Pilipinas Italy 1st Runner Up, mula Roma. Sinundan ito ni Jhanarah Shannen dela Cruz, mula rin sa Roma, ang Bb. Pilipinas Italy 2nd Runner up.

Samantala, ang Candidate no. 4 Maria Esther Villegas ang hinirang na Bb. Pilipinas Italy 3rd Runner Up, Candidate no. 8 Charivy Mae Castro ang Bb. Pilipinas Italy 4th Runner Up, Candidate no. 10 Christine Joice Mejia ang Bb. Pilipinas Italy 5th Runner Up, Candidate no. Laica Marie Paat naman ang Bb. Pilipinas Italy 6th Runner Up.

“Isang taos pusong pasasalamat po sa lahat ng sumuporta mula sa unang taon hanggang sa ika-walong taon at inaasahan po naming ang inyong patuloy na suporta sa mga susunod pang taon”, ang mga binitawang salita ni Armand Curameng, ang founder ng FATE bago tuluyang magtapos ang pagdiriwang.

Naging bahagi rin ng pagdiriwang si Third Secretary at Vice Consul Jarie Osias, sina Councilor Romulo Salvador, Jessie Ramirez, Bong Rafanan at Pia Gonzalez.  

Samantala, isang special award naman ang ibinigay ng Ako ay Pilipino kay Candidate no. 9 Hazel Joy Macatangay, mula sa Catania bilang Miss Ako Ay Pilipino.

Narito ang mga special awards na inuwi rin ng mga kandidata:

MISS FRIENDSHIP
Candidate no. 3 Czarina Mae Bilgera

MISS PHOTOGENIC
Candidate no. 10 Christine Joice Mejia

BEST PERFORMER
Candidate no. 11 Denie Francesca Carrascoso

MISS SOCIAL MEDIA
Candidate no. 2 Pamela Marie Cotugno                                                                                                                                                          Candidate no. 3 Czarina Mae Bilgera
Candidate no. 1 Jhanarah Shannen Dela Cruz

MISS FLAWLESS
Candidate no. 8 Charivy Mae Castro

BEST POISE                                                                                                                                                                                                            Candidate no. 1 Jhanarah Shannen Dela Cruz

BEST GOWN
Candidate no. 11 Denie Francesca Carrascoso

MISS TELEGENIC
Candidate no. 7 Catherine Reyes

MISS RAMP MODEL
Candidate no. 1  Jhanarah Shannen Dela Cruz

MISS BODY BEAUTIFUL
Candidate no. 8 Charivy Mae Castro

MISS ELEGANCE
Candidate no. 11 Denie Francesca Carrascoso

MISS TALENT
Candidate no. 2 Pamela Marie Cotugno

MISS FILIPINIANA
Candidate no. 1 Jhanarah Shannen Dela Cruz

MISS CONGENIALITY
Candidate no.10 Christine Joice Mejia

MISS CHARITY 2012
Candidate no. 11 Denie Francesca Carrascoso

Miss Charity 1st Runner Up
Candidate no. 10 Christine Joice Mejia

Miss Charity 2nd Runner Up
Candidate no. 8 Charivy Mae Castro

MISS TFC EUROPE
Candidate no. 1 Jhanarah Shannen Dela Cruz

MISS FILIPINO STAR
Candidate no. 6 Laica Marie Paat

MISS FOREVER LIVING
Candidate no. 11 Denie Francesca Carrascoso

MISS IMG
Candidate no. 3 Czarina Mae Bilgera

MISS AKO AY PILIPINO

Candidate no. 9 Hazel Joy Macatangay

MISS PPCR
Candidate no. 8 Charivy Mae Castro

MISS UGBII BIG BROTHER
Candidate no. 5 Divina Juan

MISS CITY TRAVEL
Candidate no. 7 Catherine Reyes

Miss DARLING OF THE CROWD

Candidate no. 9 Hazel Joy Macatangay

(larawan: Lim Laurente – PPCR at Stefano Romano)

Slides at mga paglilinaw mula sa Ministry of Interior

Regularization: Narito ang instruction sa pag-fill up ng application