in

Pacman, panalo ulit!

Muling nagbigay ng karangalan sa bansa si Manny "Pacman" Pacquiao matapos talunin si Brandon Rios sa laban sa Cotai Arena sa Macau, Linggo ng hapon.

Kasabay nito ay muling nakabangon si Pacman matapos ang dalawang sunod na talo sa kamay nina Timothy Bradley at Juan Manuel Marquez.

Nagwagi ang People's Champ via unanimous decision sa iskor na 120-108, 119-109 at 118-110.

We rise again, bangon Pilipinas!

Ito ang naging mensahe ni Manny Pacquiao sa mga Pinoy matapos ang matagumpay na pagkapanalo sa WBO International welterweight boxing title.

Kaugnay dito, matapang na sinabi ni Pacquaio na  hindi pa sya mare-retiro –  "Hindi pa po (ako hihinto). Kaya ko pa naman. Hindi importante ang purse, ang importante makapagbigay ako ng karangalan sa ating bansa at masaya ako. Kasi habit na e," ani Pacman.

Samantala, sinabi ni Pacman na inaayos na nila ang petsa at araw ng pagpunta nila sa Tacloban, tulad ng kanyang ipinangako.

“Magre-repack pa kami para sa relief operations at ibabalita kung anong araw pag ayos na ang lahat”, pagtatapos ni Manny.

 

Magtatagal ako sa Pilipinas, mawawalan ba ng bisa ang aking permit to stay?

Western Union offers no-fee* transfers from 43 countries and territories into Philippines for Typhoon Haiyan’s relief efforts