in

MTB HAGIBIS 2013 1-Day Short Track Race, kumarera sa Roma

Rome, Abril 30, 2013 – Hindi pa man ganap na natatapos ang winter season, pinangunahan ng AS FIL-ROMA at ng HAGIBIS Bikers,ang isang cycling race na ginanap noong March 10, 2013 sa Pista Ciclabile Magliana na pinamagatang MTB HAGIBIS 2013 Short Track Race. Itinanghal na kampeon si John Mar Cabreros, pumangalawa si Jojo Mecha at pangatlo si Roden Casio.

Dalawampu’t tatlong bikers ang nakipagkarera. Sa unang round, 12 bikers ang umarangkada sa daan at 5 ang kinuha para sa final round. Sa ikalawang round, 13 bikers naman ang humagibis at 6 ang isinama para sa finals. At para sa mga natira mula sa first and second race, isang bonus race ang ginawa at isinama ang top 3 para sa final race.

Nakatanggap ng mga tropies, medals at cash prizes ang top 3 na sina Cabreros, Mecha at Casio samantalang may gift certificates mula sa Bike Fleming ang 4th runner up na si Michael Valdez at 5th runner up na si Nilo Balili.

Bagama sinabing uulan sa araw na iyon, ay buong pasasalamat na pinagkalooban ang bikers ng magandang sikat ng araw. Nagpapasalamat sina Luis Salle at Teddy Perez ng AS FIL-ROMA at si Rodrigo Malabrigo ng HAGIBIS Bikerssa suportang ibinigay ni Konsehal Dado Dolor ng Municipio XV Roma sa pag-aasikaso ng mga kinakailangang permit para sa nasabing race, Farmacia di Terlizzi para sa tropeo, Tony Malabrigo mula sa Ostia, Mr. Tem Ramos sa kanyang "Tembong Sound System", AS Fil-Bong Gonzales, Gina Malabrigo at Aida Malabrigo sa mga naghanda ng inumin at pagkain at FNA (Filipino Nurses Association-Rome) sa naging pagbabantay at pagkontrol sa kalusugan ng mga bikers sa pamamagitan ng pagkuha ng BP. (ulat at larawan ni Jacke de Vega)

 

 

Letta sa Kamara: “Gawing yaman ang mga new Italians”

KAPIT-BISIG PARA KAY CONSOLACION DULAY